May napansin ka ba?





Napakabilis ng takbo ng panahon, minsan parang wala ng katapusan at kapaguran ang tao sa pakikibaka nito sa kanyang paligid at mundo. Hindi natin namamalayan na nalipasan na tayo ng gutom, uhaw at panahon. Hindi natin magawang maipaliwanag bakit ito na nangyari sa buhay ko, sa pamilya ko o sa pag-aaral ko? Nababagot, nalulungkot, at nawawalan ng pag-asa ang marami sa atin na wala na ring panahon na maisaayos ang lahat? Pamilyar ka ba?
Teka muna, sandali lang, dahan-dahan, maghunos –dili ka, pakinggan mo muna ang kwento ng bawat isa. Hindi naman kasi minamadali ang lahat e? Malay mo ito na kasagutan at magbigay liwanag sa masalimuot nating kabuhayan? Tara, magsama-sama tayong magsiyasat sa nakaraan at sa kasalukuyan ng ating mahal na bansa. Bigyan natin ng Kwenta ang bawat Kwento o kasaysayan ng bawat nangyayari sa ating kapaligiran.
Ikaw, ako at tayong lahat ay may responsibilidad na makialam, pero kaylangan natin ng sandata upang tayong ay makasabay sa agos ng buhay, ito ay ang kaalaman ng kasaysayan ng bawat pangyayari sa ating paligid.