ASYA





Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ito ay sukat na 43,810,582 km² o 17,159,995 milya kuwadrado (mi2).
Ang asya din ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.
Ang mga kilalang kabihasnan na nagmula sa asya ay ang mga:
1. Kabihasnan ng Tsina.
2. Kabihasnan ng India.
3. Kabihasnan ng Mesopotamia
4. Kabihasnan ng Persia
5. Kabihasnang Armaiko
-Ang Kabihasnang Armaiko ay may dalawang sangay ito ay ang:
a. Israel
b. Arabo


Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo),Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Ano ang Kontinente?



-Ang kontinente na kilala ring bilang lupalop, ang pinaka malaki at malawak na uri ng anyong lupa, ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo।
Ang mga pitong kontinente ay:
1. Asya
2. Europa o Yuropa
3. Africa
4. Australia o Oceania
5. Hilagang Amerika
6. Timog America
7. Antartica o Antartika