Maria Corazon Cojuangco Aquino

"kilala sa pangalang Cory"

"PAALAM NA PO, TITA CORY"

Marami ang nalungkot at nagluksa sa pagkawala ng tita ng lahat at ina ng lahat noong August 01, 2009. At bukas ay ihahatid na natin sa huling hantungan ang labi ng ating mahal na Tita Cory.

Ang bilis talaga ng panahon, di na natin namamalayan na marami na ang nangyari na di natin inaasahan. Katulad na lang ng pangyayaring ito, na isa sa kinikilalang mabuting pinuno ay nawala na sa ating piling. Sino pa kaya ang gaya n'ya? Yan ang tanong ko sa aking sarili at siguro marami rin ang nagtatanong na gaya kong isang simple kabataan na nakikibaka sa alon ng buhay.

"PAALAM PO TITA CORY AT MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT"