Ano ang Kasaysayan?


Ano ang Kasaysayan?


-Ang kasaysayan ay maaaring bigyan ng kahulugan na:


-pag-aaral ng nakaraan at batayan ng kasalukuyan
-talaan ng impormasyon ukol sa nakaraan
-talaan ng mga makabuluhang pangyayari sa karanasan ng tao sa isang lugar
-pagsisiyasat sa mga pangyayari ng nakaraan


-Mga bunga ng pag-aaral ng kasaysayan:
-nakatutulong ito sa pagbabago ng kinabukasan
-mapahalagahan ang nakaraan
-mapapalawak nito ang pananaw ng mga tao
-nakapandaragdag ng kaalaman para sa mas masidhi/ kritikal na pag-iisip



-Mga Disiplina ng Agham Panlipunan sa Pag-aaral ng Kasaysayan
1. Antropolohiya - tumatalakay sa sangkatauhan at ang mga pinanggalingan nito
2. Agham Pampulitika - tumatalakay sa pagtakbo ng pamahalaan at ang mga batas na sinusunod ng tao. (ang pamahalaan noon hanggang ngayon)
3. Sikolohiya - pag-aaral sa pag-iisip ng mga tao; mga ideolohiya ng mga sinaunang tao
4. Pilopsopiya - pag-aaral sa pagtuklas ng katotohanan; mga pamantayang moral
5. Ekonomiks - kung papaano tinugunan ng tao ang kanilang mga pangangailangan; kung paano nagsimula ang kalakalan; ang pagkakaroon ng pera bilang midyum ng pagpapalitan
6. Teolohiya - mga pag-aaral ng relihiyon; mga relihiyon na pinagbabatayan ng mga batas
7. Sosyolohiya - pag-aaral sa kapaligiran ng tao (lipunan); kung paano namuhay ang mga tao sa isang tiyak na lugar
8. Heograpiya - tumutukoy sa teritoryo; ang pisikal na kaanyuan ng isang lugar



-Mga Uri ng Kasaysayan:
A. Prehistoriko (di-nakasulat na kasaysayan; BC - Bago si Kristo)
Mga panahon: Neolitiko, Paleolitiko, Metal
Mga ebidensya: mga kuwentong bayan, mga relokya at labi, pasalitang kasaysayan
B. Historiko (naisulat noong natutunan ng mga tao; AD - Anno Domini)
Mga panahon - sinauna (5000BC - 470AD), medyibal (470AD - 1412AD), Moderno (1412AD - kasalukuyan)
mga ebidensya - mga dokumento, mga lathalain (mga talaarawan atbp.)

1 comment:

  1. Anu ang kasaysayan? Hanapin lang ito sa www.tagalog-translator.com

    ReplyDelete